header image1

2nd Quarter of 2016

Posted - 13 June 2016


2nd Issue (4th Quarter of 2015)

Posted - 10 February 2016


Komunidad

Posted - 02 December 2015

Photos

Posted - 02 December 2015

Bagong Nayon

Dagat-Dagatan

South Sector

Towerville


Gender Sensitivity Training


bac_tac1

Tatlumpu't pitong taon na nagbabahagi ang NHA ng serbisyo ng pabahay sa masang Pilipino. Alin sunod sa prinsipyo na " ang pabahay ay di lamang pagkakaroon ng bubong namasisilungan", ito'y nagbibigay tulong, serbisyo't pagkakataon upang umangat at mapabuti ang kalidad ng pamumuhay ng mga benepisyaryo sa isang bagong komunidad at kapaligiran. Patuloy itong nagpapatupad ng mga programa't proyekto nahigit na makakatugon sa tukoy na pangangailangan ng mga awardee ng lote/yunit.Tulad ng adbokasiya sa kasarian (gender advocacy) na ngayo'y agresibong ipinatutupad ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan. Sa NHA, binuo ang Technical Working Group (TWG) ng Gender and Development (GAD) upang maghanda at magpatupad ng mga programang GAD. Kasama rito ang pagpapadaloy ng mga konsepto tungkol sa kasarian sa mga plano at Gawain ng mga tanggapan ng NHA/Operating Unit.


bac_tac2

Mga taong 2011, nagsagawa ang GAD-TWG ng mga Gender and Sensitivity Training (GST) at Oryentasyon sa mga Kaugnay na Batas para sa mga empleyado at piling benepisyaryong NHA. Layunin ng GST na: una, maitaas ang kaalaman at mapalalim ang kamalayan sa mga konsepto ng pangkasarian at sa mga pagpapakita ng lahat ng uring pagkiling; at ikalawa, mabihasa ang mga kalahok sa GST sa mga batas tungkol sa kababaihan at kanilang mga anak upang mapaghandahana ng kagyat na pagtugon sa mga paglabag sa kani-kanilang komunidad.

Ang GST at kaalaman sa Anti-Violence Against Women and Children (R.A. 9262), Magna Carta on Women (R.A.9710)at Solo Parents Welfare Act of 2000(R.A. 8972) ay nauna nang nabigay sa mga lider ng rehiyong Visayas -- sa Bacolod, Iloilo, Tacloban, Cebu, Roxas at Dumaguete. Sumunod ay sa mga liderng NCR-West Sector at South Sector, Bagong Silang Resettlement Project (BSP) sa Lungsod ng Caloocan at ng mga Northville at Southville Project.Nagsilbing Resource Persons, Trainors at Facilitators/ Co-Facilitators ang mga empleyado na nag sanay sa ilalim ng NHA Consolidated Union of Employees (CUE)-GAD at GAD Secretariat. Malaking tulong sa pangangasiwang GST ang module nabinuo ni Gng. Viema M. Picazo ng NHA Human Resource Management Development (HRMD). Ito'y patunay na ang pagtutulungan at pagbuhos ng panahon at sipag ng empleyado mula sa iba'tibang yunit ng NHA ay nagbubunga sa maayos na pagsasatupad ng mga programa nito.

Nakatakdang isagawa ang mga GST at Orentasyon sa mga Kaugnay na Batas para sa iba pang benepisyaryong NHA. Inaasahan na ang mga magiging kalahok, kasama na ang naunang nagsanay, ay magiging katuwang ng NHA sa pag babahagi at pagpapalaganap ng kanilang kaalaman sa kanilang pamilya at komunidad. Batay sa mga naibahaging pananaw at natutunanng mga kalahok sa Visayas, inaasahanna mag-iiwan rin ng tatak sa lahat ng makakasali sa mga gaganapi ng mga training at seminar.


tac3

Ilang mga binahagi sa pagtatapos ng GST/Orentasyon:

Mga naging Kaalaman/Natutunan sa Training(Head)

Bacolod:

"Sa seminar na ito, nagkaroon ako ng kaalaman tungkol sa karapatan ng mga kababaihan na nagbibigay sa akin ng lakas upang maging matatag salahat ng pagsubok."

"Kaalaman tungkol sa gender advocacy development and other topics which are beneficial to my personality."

"I learned a lot of things to learn and unlearn, exchanging ideas, awareness of equality of men and women, characteristics of sex and gender. That men are not stronger physically… Women should be treated normally … because we are the living image of God. After this training, I gained confidence."

"I have learned to differentiate sex from gender and other laws on violence against women."


gad

Iloilo:

"Natutunan ko bilang isang babae na ipaglaban ang aking sarili at nagpapasalamat ako sa lahat ng mga staff ng NHA at sa mga taong nag-invite sa akin. Maraming salamat."

"Fully understand the difference between Gender and Sex. Understand the Solo Parents Act and its benefits and privileges."

"More knowledge about laws on women and children's rights. Set-up Women's Desk in our Barangay. Identify gender equality and discrimination problems in our Barangay."

Tacloban:

"Marami akong natutunan especially samga laws regarding RA 9262, 9710 at 8972 na magagamit ko as basis para makatulong sa mga ganoong situation. Iba kasi pag may basis … at mas credible."

"Natutunan ko na ang pamahalaan ay seryoso sa pagpapalaganap ng mga batas para sa kapakanan ng mga kababaihan at mga anak."

"Malaki ng bagay ang mayroong kaalaman tungkol sa karapatan ng mga kababaihan upang magkaroon ng proteksyon at magkaroon ng maliwanag na buhay."

cebu_1

Cebu:

"For 2 days I have learned more about GAD and the equality of men and women, the Magna Carta on Women and most of all, the Solo Parent Act and its benefits and agencies concerned."

"Sa akong nahibaw-an niining 2 days seminar, diri na ko han ako nga asawa ug bana parihara responsible sa family, makoha sa babae ang trabaho mahuka ang sa lalako ugusab sa lalaki trabahoug single parent laws."

"I have learned that there are laws which we can use to defend women and children against any abuses that may happen. I have also learned that we are not alone …. Our government has established agencies for us."



cebu_7

Mga naging Damdamin sa mga Paksa(Heart)

Bacolod:

"Na-enjoy ko ang 2 days seminar at dito napagtatanan ang kahalaghan ng bawat isa … lalo na sa mga kababaihan."

"Sa 2 days seminar, marami akong natutunan. Awa at lungkot ang aking naramdaman sa mga vietinong kababaihan at children na victim ng human rights violation."- Cottageville HOA

"Love naghatag akon kalipayupod sa family akon nga friends kagkay Lord."

lloilo:

"As one of the participants of the training seminar, I am very happy and proud because I can share and help my constituents with all the learnings I have learned."

"SAD due to violence against women."

"Satisfied po at nag papasalamat po sa lahat ng staff ng NHA sa lahat na karagdagan na kaalaman sa akin regarding sa topic na diniscuss nila."


tac

Tacloban:

"Ang aking naramdaman ay palawakin ang aking kaisipan."

"Ang narandaman ko sa seminar na ito ay maliwanag na pantay-pantay talaga ang karapatan ng tao, babae o lalaki gaya ng pag create sa ating Panginoon."

"Hindi na tayo dapat matakot dahil mayroon nang mga batas sa mga kababaihan."

Cebu:

"I confess that sometimes I abused my wife by snapping or punching. And also my son, I would give him a hard buntal. So now, … I will try to apply what I have learned from this GAD VAWC seminar."

"Masaya ako dahil marami kaming natutunan lalo na sa pag-aabuso sa mga babae at sa mga bata. Dahil sa programang ito, mayroon na kaming direksyon kung saan patungo."



cebu_1

Mga Hakbang na Gagawin(Feet)

Bacolod:

"…ma-share ko sa aking pamilya at saaming komunidad ang aking natutunan sa seminar."

"Dadalhin ko ang nalalaman ko sa aming barangay para ma-share ko sa mga community meeting."

"Ang aking natutunan dito sa seminar na ito ay gawin kong ehemplo at ma-share sa iba at sa aking pamilya."

loilo:

"Kung ano ang nalalaman dito ay dapat i-implement or i-apply natin sa ating barangay."

"To disseminate the information that we've known to the community we belong to".

"Mag-set-up ng Women's and Children's Desk sa community para ma-apply ang aking natutunan."


tac2

Tacloban:

"Gusto ko pong ibahagi ang lahat kong natutunan sa aming kasama sa asosasyon, sa barangay o kahitsaan kung kinakailangan. Lalung-lalo na sa walang alam na laws, walang pinag-aralan na inaapi."

"To inform our barangay officials that we attended for two days gender sensitivity training orientation and willing to promote this in our barangay specially women."

"For me, I want to disseminate my knowledge from this training to my sector in Catbalogan, the CUPA Federation."

Cebu:

"I want to share the knowledge that I learned in this seminar to the members of our association. That there are many benefits and rights of a person, if ever he/she is physically abused.Also solo parents."

"I will relay this knowledge to other members. Echo."

" After what I have learned and felt by joining this seminar/training, I want to share all the knowledge I got to my co-youth members and all the members of our organization and all the women in our community in order for them to be guided and for them to know that there is an existing law that can protect them, especially those who are abused."